PEKENG PASAPORTE | Sunod-sunod na iligal pagpasok sa bansa ng 10 dayuhan, iimbestigahan na rin ng NBI

Manila, Philippines – Iimbestigahan na rin ang National Bureau of Investigation (NBI) ang sunud-sunod na pagpasok sa bansa ng Middle Eastern nationals gamit ang Belgian at Spanish passports.

Ito ay makaraang humingi ng tulong ang Bureau of Immigration sa NBI.

Ayon kay Immigration Port Operation Division Chief Red Marinas, iimbestigahan ng NBI ang ilang airline at airport employees na posibleng kasabwat ng international human trafficking syndicate.


Aniya, ang sampung mga dayuhan na kanilang naharang sa Ninoy Aquino International Airport ay sakay ng Thai Airways at Malaysian Airlines.

Ginagamit aniya ng sindikato ang Pilipinas bilang transit hub patungo ng United Kingdom lalo na’t may direct flight na mula Manila patungo ng UK.

Nabatid na kinabibilangan ang sampung dayuhan ng pitong Iranians, isang Somalian at dalawang Chinese nationals.

Facebook Comments