PEKENG PASSPORT | 7 sa 10 dayuhang naharang ng Immigration, nakakulong pa rin

Manila, Philippines – Pito sa sampung mga dayuhan na naharang ng Bureau of Immigration (BI) sa NAIA ang nananatiling nakakulong sa kanilang detention cell sa Taguig.

Ayon sa Bureau of Immigration (BI), ito ay kinabibilangan ng dalawang Chinese, isang Somalian at apat na Iranians.

Agad namang pina-deport ng ahensya ang mag-iinang Iranian na pinakahuling naharang ng immigration officers sa NAIA dahil pawang menor-de-edad ang dalawang bata.


Ang mag-iinang Iranian ay hinarang ng BI dahil sa paggamit ng pekeng Belgian passports.

Kaugnay nito, lalo pang hinigpitan ng ahensya ang profiling sa mga pumapasok sa bansa na Middle Eastern nationals.

Ang naturang mga pasahero ay may planong lumipad patungong United Kingdom at ang Pilipinas ang ginagamit nilang transit hub mula sa Middle East.

Facebook Comments