Hinarang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration ang isang Liberian national sa NAIA dahil sa paggamit ng pekeng passport.
Kinilala ang dayuhan na si Frederick Butchester.
July 24, papunta sana sa Thailand para sa connecting flights nito papuntang belgium ang dayuhan nang maharang siya sa departure area ng NAIA terminal 1.
Kaduda-duda kasi ang ipinakita nitong Liberian passport dahil sa ‘poor quality’ nito.
Nang ipaberipika, lumabas na peke ang pasaporte ni Butchester maging ang kanyang bio page.
Inihahanda na ng BI ang pagsasampa ng kaso laban sa dayuhan.
Nabatid na July 4 nang dumating sa bansa Liberian national para bisitahin ang pinay niyang asawa.
Facebook Comments