PEKENG PULIS | Abusadong driver na naka-PNP athletic uniform, nakilala na

Taguig City – Nakilala na ng Taguig-PNP ang abusadong driver ng SUV na nakasuot ng PNP athletic uniform na umano ay nakabangayan ng isang buntis sa bahagi ng Bonifacio Global City.

Kinilala ang Fil-Chinese na lalaki na si Joseph Philip Lu Bautista, 36-anyos at residente ng Barangay Ususan sa Taguig.

Una rito, nag-viral sa social media ang video ng paninigaw ng suspek kay Pinky Timbang Ortiz at pinagbantaan pa siyang aarestuhin dahil umano sa paglabag sa batas-trapiko.


Inamin naman ni Bautista na siya nga ang nasa viral video.

Hindi rin daw siya pulis at komportable lang siya sa pagsusuot ng PNP athletic shirt.

Gayunman, itinanggi ni Bautista ang bintang na pangha-harass ni Ortiz.

Sinusubukan nang kontakin ng Taguig PNP ang complainant para sa pagsasampa ng kaukulang kaso.

Sasampahan din ng pulisya ng kasong paglabag sa Article 179 ng Revised Penal Code o “Illegal use of uniform” si Bautista.

Facebook Comments