PEKENG PULIS | Lalaki, arestado matapos magpanggap na pulis sa Hinabangan, Samar

Samar – Kalaboso ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis sa bayan ng Hinabangan sa Samar.

Ayon kay Chief Inspector Edward Cugtas, hepe ng Hinabangan Municipal Police Station, nakatanggap sila ng tawag na may nagpakilalang pulis sa Barangay Binubukalan at nagdulot ng takot sa mga residente.

Nagpakilalang miyembro ng Special Action Force (SAF) ang lalaki na si Jay Bernard Salidaga na naka-uniporme ng pulis, may ID, baril, hand-held radio at mga bala.


Pero napag-alaman ng mga pulis na laruan lang ang dala niyang baril.

Agad namang umamin si Salidaga na hindi siya totoong pulis at binili lamang niya sa Quiapo ang kanyang uniporme.

Aniya, gusto lang niyang maging escort ng biyenan na kandidato sa kanilang barangay.

Inihahanda na ng pulisya ang kasong isasampa laban kay Salidaga.

Facebook Comments