UMANO’Y SOLICITATION LETTER MULA SA MINOR BASILICA OF OUR LADY OF MANAOAG, PINABULAANAN

Mariing itinanggi ng pamunuan ng Minor Basilica of Our Lady of Manaoag ang kumakalat na solicitation letters na gumagamit ng logo at pangalan ng simbahan upang makalikom ng pera.

Sa inilabas na abiso ng simbahan, walang katotohanan ang naturang sponsorship letter dahil may Rector na namumuno sa mga natatanggap na donasyon para sa mga proyekto sa simbahan.

Nakasaad sa pekeng dokumento na ilalaan para sa pagsasaayos altar, korona, roba at ilan pang kagamitan ng imahen na may kalakip na pirma ng isang parish coordinator.

Apela ng simbahan na huwag basta magpaniwala sa mga dokumento na nanghihingi ng pera upang maiwasang ma-scam. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments