
Pinag-iingat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang ating mga kababayan kaugnay ng peke o scam na text message na nagbibigay ang ahensiya ng emergency cash transfer o ECT.
Base sa mga kumakalat na text message, ang ECT ay makukuha ng mga naapektuhan ng mga Bagyong Crising, Dante, Emong at habagat kapag ibinigay nila ang kanilang mga GCash number.
Nakalagay dito na nasa 4,500 ang ipinapamahagi ng DSWD na ECT at kailangan ilagay ang GCasch number sa nag-text para ma-claim ang ayuda.
Pero paliwanag ng DSWD, ibinibigay lamang ang ECT sa mga pamilyang partially at totally damaged ang mga bahay at matinding naapektuhan ng kalamidad base sa assessment ng DSWD at local government unit (LGU).
Hindi rin ito ipinamamahagi online o sa pamamagitan ng text message link.









