Manila, Philippines – Naaresto sa ikinasang Entrapment Operation ng Philippine National Police (PNP) Criminal Investigation And Detection Group (CIDG) National Capital Region (NCR).
Ang isang Real Estate Developer at Clerk nito matapos na mabuking sa kanilang modus na pagbebenta ng mga house and lot na may pekeng land title.
Kinilala ang naarestong real estate developer na si mateo agner alyas mat, 54-anyos residente ng Barangay West Fairview Quezon City at tubong malibago Babatmon Leyte at clerk nitong si Melissa Baladia residente ng Barangay 170, Deparo 2, Caloocan City.
Ayon kay PNP CIDG NCR Chief Police Senior Supt. Wilson Asueta, naaresto ang dalawa matapos na magreklamo ang isang Josie Del Rosario at tatlong iba pa dahil sa pagbebenta sa kanilan ng pekeng land title na nagkakahalaga ng 18 milyong piso.
Nadiskubreng peke ang mga dokumento ng i-verify ng mga nagrereklamo ang authenticity ng titulo na binigay ng mga suspek.
Sumulpot naman sa tanggapan ng PNP CIDG NCR ang 30 mga nabiktima ng mga suspek.
Sa ngayon nasa kustodiya na ng CIDG NCR ang mga naarestong suspek na subject na sa inquest proceedings.
Nahaharap na rin ang mga ito sa kasong Estafa at falsification by private individual and use of falsified documents.