PEKENG TREN | Final report sa vehicle logic units ng MRT-3, pinasusumite ng Kamara

Manila, Philippines – Pinagsusumite ng House Committee on Good Government and Public Accountability ang Department of Transportation (DOTr) ng kanilang final report tungkol sa Vehicle Logic Units (VLU) na siyang nangangasiwa ng safety features ng mga tren ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).

Ito ay kasabay ng pagdinig ng komite hinggil sa umano’y apat na milyong pisong pagbili at pagkakabit ng pekeng train safety equipment sa MRT-3.

Ayon kay Committee Chairman, Surigao Del Sur Rep. Johnny Pimentel sa natanggap na impormasyon mula kay PBA Partylist Rep. Jericho Nograles, isa lang mula sa 73 bagon ng MRT ang may orihinal na VLU.


Giit ni Pimentel kailangang maresolba ito sa lalong madaling panahon kung nais talaga ng DOTr na maibalik ang normal na operasyon ng MRT-3.

Ang supplier ng VLUs ay ang Diamond Pearl Development and Marketing Corp. kung saan wala itong valid contract dahil hindi ito napirmahan ni dating transportation Sec. Joseph Emilio Abaya.

Facebook Comments