Peligrong dulot ng pagpapapako sa krus at paglalatigo ng mga nagpepenitensya, babala ng DOH

Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa mga magpepenitensya sa Semana Santa lalo na ang mga magsasagawa ng pagpapapako sa krus at paglalatigo.

Ayon kay DOH Undersecretary Eric Domingo – mas makabubuting iwasan ang pagsasagawa ng ganitong penitensya.

Aniya, posibleng maimpeksyon at magkaroon ng tenanus ang mga nagpapapako sa krus.


Kahit pa nalinis o na-sterilized ang mga ito, wala pa ring katiyakang ligtas ito.

Hindi rin inirerekomenda ng DOH ang pag-inom ng mga namamanata ng prophylaxis o antibiotic dahil ma-e-expose lamang sila sa anti-microbial resistance.

Naging bahagi na ng tradisyon na ng ilang Katoliko, lalo na sa Pilipinas, na magpenitensiya at magpapako sa krus tuwing Mahal na Araw upang ipakita ang pagsisisi sa kanilang mga kasalanan.

Facebook Comments