Nasungkit ni Rafael Manuel, isang Pinoy, ang George Lucas Award o ang Grand Prix Award mula sa isa sa pinakamalaking short film festival sa Asya.
Ang nasabing short film ay may titulong “Filipiniana” na tumatalakay sa pagkakahati ng estado sa buhay.
Lubos naman ang pasasalamat ng direktor sa natanggap na pagkilala at sinabing kailangan ng lipunan ng pelikula para sa pakikiisa at pasensya ngayong pandemya.
Inaasahang tatagal hanggang Hunyo 30 ang online screening ng mga short films.
Facebook Comments