Pelikula nina Alessandra de Rossi at Paolo Contis, humakot ng titulo mula sa Netflix at Google

Humakot ng titulo mula sa Netflix at Google ang pelikula nina Alessandra de Rossi at Paolo Contis na “Through Night and Day.”

Umani ng positive comments at mga papuri ang ibinigay ng Netflix viewers sa pelikulang nagpaluha sa mga manonood dahilan para mamayagpag ito sa popular platform at streaming service company sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Kabilang sa natanggap ng dalawa ay ang most searched movie ng Google Philippines at most popular Filipino title sa Netflix Philippines.


Sa report ng Google Philippines, ang pelikula nina Alessandra at Paolo ay nakakuha ng pinakamataas na puwesto dahilan para matalo nito ang movie na Parasite na nanalong Best Picture sa 92nd Academy Awards noong Pebrero at maging ang 2020 mystery film na Enola Holmes.

Pinasalamatan naman ni Alessandra at Paolo ang mga nagmahal at tumangkilik sa kanilang karakter.

Facebook Comments