Makikipagtagisan sa prestihiyosong Locarno Film Festival sa Switzerland ang pelikulang “Kun maupay man it panahon” nina Charo Santos-Concio at Daniel Padilla.
Ang pelikula na may international title na “Weather the Whether is Fine” ay tungkol sa mga pagsubok at hirap na pinagdaanan ng mag-ina para maka-survive kasunod ng pananalasa ng super Typhoon Yolanda.
Ito ay sa direksyon ni Carlo Francisco Manatad.
Samantala, tatlo pang pelikulang Pilipino ang itatampok sa non-competition Open Doors Screenings ng 74th edition ng Locarno Film Festival kabilang ang short films na “Excuse Me, Miss, Miss, Miss” ni Sonny Calvento at “Next Picture” ni Cris Bringas.
Gaganapin ang nasabing Film Festival sa Agosto 4 hanggang 14.
Facebook Comments