Pelikulang kalahok sa 2020 MMFF, ipapalabas online

Tuloy pa rin ang ika-46 Metro Manila Film Festival ngayon na lalahukan ng walong pelikula.

Ayon kay 2020 MMFF Spokesperson Noel Ferrer, ginawan nila ng paraan para matuloy ang festival dahil tradisyon na ang panonood nito tuwing Pasko at walang pandemya ang makakapigil sa kanila.

Aniya, hindi na sa sinehan ipapalabas ang mga pelikula kundi sa mga online platform pero ito ay may bayad na ₱250.00 kada pelikula.


Advantage rin daw ito dahil mas maraming Pilipino ang maabot nito maging ang mga Pinoy na nasa abroad.

Hinikayat naman ng pamunuan ng MMFF na tangkilikin ang mga pelikula para maging matagumpay ito.

Facebook Comments