Pelikulang Kathryn-Alden mapapanood na sa Hulyo 31

383
Image via Instagram/Star Cinema

Ipinakita na sa publiko ng Star Cinema ang official teaser at poster ng pelikulang pinagbibidahan nina Alden Richards at Kathryn Bernardo.

Mapapanood sa mga sinehan ang “Hello, Love, Goodbye” sa Hulyo 31. Ani Star Cinema, halos lahat ng eksena ay shinoot sa Hong Kong.


Sa lumabas na teaser, makikitang parehong OFW sina Kathryn at Alden na may kanya-kanyang pangarap. Ginamit rin ang kantang “Kung Di Rin Lang Ikaw” nina Moira dela Torre at December Avenue bilang background music.

Umabot na sa mahigit 2 million views sa official Facebook at Youtube page ang kinasasabikang pelikula.

Inaabangan ng mga fans ang kauna-unahang pagtatambal ng dalawa sa big screen. Ito rin ang unang beses gumawa ng pelikula si Alden sa kabilang network at hindi kapareha ni Kathryn ang long-time partner na si Daniel Padilla.

Kasama din sa “Hello, Love, Goodbye” sina Joross Gamboa, Kakai Bautista, Maymay Entrata, Jeffrey Tam at Lovely Abella. Ito ay isinulat ni Carmi G. Raymundo at idinirek ng premyadong Cathy Garcia-Molina.

Facebook Comments

From Advertisers