Pelikulang “On the Job: The Missing 8” na pinagganapan ni John Arcilla, opisyal na entry ng Pilipinas sa 95th Oscars

Pinangalanan ang pelikulang “On the Job: The Missing 8” ni Direk Erik Matti bilang opisyal na entry ng Pilipinas para sa Best International Feature sa 95th Academy Awards o mas kilala bilang Oscars.

Ito ang inanunsyo ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) at Directors Guild of the Philippines Inc. (DGPI) kahapon.

Mababatid na ito ang nagbigay sa aktor na si John Arcilla ng Volpi Cup for Best Actor matapos mag-premiere ang pelikula sa 78th Venice International Film Festival noong September 2021.


Si Arcilla ang kauna-unahang Southeast Asian artist na nakakuha ng best actor sa naturang pretihiyosong festival kung saan gumaganap siya bilang Sisoy na isang korap na journalist na kinwestiyon ang kaniyang katapatan sa isang politiko nang mawala na lang bigla ang walo niyang kasama sa industriya.

Tungkol ang “On the Job: The Missing 8” sa mga bilanggo na pansamantalang pinalaya upang magtrabaho bilang hitmen-for-hire upang patumbahin ang mga mamamahayag na binubunyag ang korapasyon sa pamahalaan.

Facebook Comments