Pelikulang pinagbibidahan nina Paolo Contis at Alessandra De Rossi, no. 1 sa top 10 movies at series ng Netflix

Number one na sa top 10 movies at series ng Netflix Philippines ang pelikula na pinagbibidahan nina Paolo Contis at Alessandra De Rossi na “Through Night and Day”.

Ito ay dahil na rin sa word of mouth na ‘maganda’ at ‘must-watch’ ang pelikula kung saan maraming viewers ang pumuri sa kwento ng pelikula at sa pagganap nina Paolo at Alessandra.

Nabatid na ipinalabas sa mga sinehan ang pelikula noong November 14, 2018 pero hindi ito sinuportahan ng moviegoers kaya na-pull out ng tatlong araw matapos magbukas ito sa mga sinehan.


Malaki ang naging kontribusyon sa Netflix success ng pelikula ang mahusay na Dieksiyon ni Veronica Velasco at ang magaling na pagkakasulat ni Noreen Capili sa script.

Si Veronica ang direktor ng 2006 critically-acclaimed movie na “Inang Yaya”, samantalang si Noreen ang scriptwriter ng ilang tv shows gaya ng Ang Probinsyano.

Nabatid na idea ni Alessandra ang kuwento ng Through Night and Day, pero ipinagkatiwala niya kay Noreen ang pagsusulat sa screenplay ng pelikula nila ni Paolo.

Facebook Comments