Hinakot ng pelikulang ‘Rainbow’s Sunset’ ang ilang malalaking parangal sa Metro Manila Film Festival (MMFF).
Sa ginanap na ‘Gabi ng Parangal’ – naiuwi ng Rainbow’s Sunset ang Best Picture, Best Screenplay, Best Production Design, Best Original Theme Song at Gat. Antonio Villegas Cultural Award.
Nasungkit din ni Joel Lamangan nag Best Director.
Best Actress naman para kay Gloria Romero, Best Supporting Actress si Aiko Melendez habang Best Supporting Actos si Tony Mabesa.
Sina Max Collins at Eddie Garcia ay ginawaran ng Special Jury Prizes for an Actress and Actor.
Sa ngayon, ang pelikulang ‘Fantastica’, ‘Jack Em Popoy’ at ‘Aurora’ ang pinipilahan ngayon sa mga sinehan.
Facebook Comments