“Relieved”
Ito ang pahayag ni Justice Secretary Menardo Guevarra matapos ang deportation kay United States Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton na pinagkalooban ng absolute pardon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Nabatid na pinaboran ng Olongapo Regional Trial Court ang petisyong maagang makalaya si Pemberton dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) matapos hatulan ng 10 taong pagkakakulong dahil sa pagpatay sa Filipino transgender na si Jeffrey “Jennifer” Laude noong 2014 sa Olongapo City.
Ayon kay Guevarra, ang ‘Pemberton Episode’ ay nagbigay ng mahahalagang aral hinggil sa magiging kinabukasan ng Visiting Forces Agreement (VFA), pagpapataw ng criminal justice at paggamit ng constitutional powers ng Pangulo.
Ang kapanyarihan ng Pangulo na magbigay ng executive clemency, tulad ng parole o absolute pardon ay unconditional at hindi maaaring kwestyunin.
Una nang sinabi ng Bureau of Immigration (BI) na nakaalis na sa bansa si Pemberton sa pamamagitan ng military aircraft pabalik ng Estados Unidos mula sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kahapon.