Pemberton, itu-turnover na sa Bureau of Immigration ngayong umaga

Nakatakdang i-turnover sa Bureau of Immigration (BI) ang kustodiya sa Amerikanong sundalo na si US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton.

Kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra na ngayong umaga ang turnover ng kustodiya.

Gayunman, hindi dadalhin sa BI Main Office sa Maynila si Pemberton at sa halip ay mananatili sa JUSMAG facility sa Camp Aguinaldo sa Quezon City.


Ang mga tauhan ng BI ang magbabantay roon kay Pemberton hanggang sa matapos ang proseso ng deportation sa kaniya.

Sinabi ni Guevarra na may ilang mga dokumento na lamang na pinoproseso at kapag nakumpleto na ito, maaari na siyang dalhin sa airport at i-turnover sa US Embassy.

Facebook Comments