Pemberton, naipa-deport na!

Nakaalis na ng bansa si US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton.

Ayon kay Bureau of Immigration (BI) spokesperson Dana Sandoval, eksakto alas 9:14 kaninang umaga nang umalis sa Ninoy Aquino International Airport si Pemberton sakay ng military plane.

Inihatid si Pemberton sa paliparan ng mga tauhan ng US Embassy at kasama niya pabalik sa Amerika ang mga kasamahan niya sa US military.


Ayon kay Sandoval, nakumpleto na ang documentary requirements kaugnay sa paglaya ng sundalo at agad na naihain ang kanyang deportation.

 

Dahil dito, ikinokonsidera na siya bilang isang undesirable alien at hindi na maaaring bumalik sa Pilipinas.

Si Pemberton ay hinatulang makulong ng sampung taon dahil sa kasong homicide kasunod ng pagpaslang nito sa Filipino transgender na si Jennifer Laude noong 2014.

Siya ay nakalaya matapos bigyan ng absolute pardon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Facebook Comments