Pemberton, pwede nang umuwi ng Amerika matapos pagkalooban ng absolute pardon ni Pangulong Duterte

Photo Courtesy: pcoo.gov.ph

Hindi na dapat pang bigyang dahilan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibigay niya ng absolute pardon kay US Marine Lance Corporal Joseph Pemberton.

Si Pemberton ay maaalalang hinatulang guilty dahil sa pagpatay sa Filipino transgender woman na si Jennifer Laude noong 2014.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, ang absolute pardon na iginawad ng Pangulo kay Pemberton ay nangangahulugang makakalaya at makakauwi na ito ng Estados Unidos.


Hindi na rin aniya isyu pa kung entitled si Pemberton sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) dahil binura na ng Presidente ang parusang ipinataw rito.

Paliwanag pa ni Roque, ang pagbibigay ng parole o pardon ay maituturing na ‘most presidential of all presidential powers.’

Sa huli, sinabi ng kalihim na hindi naman anti-US ang Punong Ehekutibo bagkus nananatili ang pina-iiral na foreign policy ng kaniyang administrasyon na ‘friend to all at enemy to none.”

Facebook Comments