Penalties at interest ng delinquent housing loan accounts na nagkakahalaga ng P600-M, pinatawad ng NHA

Kinumpirma ng National Housing Authority (NHA) na umabot na sa ₱634 milyong halaga ng penalties at interests ng delinquent housing loan accounts ang pinatawad nito.

Ayon sa NHA, ito ay sa pamamagitan ng Condonation 7 program na isa sa pinakamalaking condonation initiative sa kasaysayan ng ahensya.

Sa ilalim ng programa, inalis na ang 100% na penalties at delinquency interest, at 95% ng hindi pa nababayarang interes sa amortisasyon.

Sa kasalukuyan, nakakolekta na ang NHA ng ₱29.3-M mula sa mga pamilyang nagsumikap mai-settle at mai-update ang kanilang mga housing loan account.

Mayroon na ring 14,330 pamilya ang nakinabang sa malaking diskwento na inilabas ng ahensya.

Extended din ang programa sa December 31, 2025 mula sa orihinal na deadline na October 31, para mabigyan ng pagkakataon ang mas maraming pamilya lalo na ang mga naapektuhan ng sunod-sunod na kalamidad at pag-taas ng bilihin, na makapag-avail ng benepisyo.

Facebook Comments