PENALTY MULA SA LATE BIRTH REGISTRATION, MULING IPINAALALA

Muling ipinaalala ng Philippine Statistics Authority ang kaakibat na proseso at penalty sa mga delayed na civil documents ng bawat indibidwal kabilang na ang late birth registration.

Ngayong Pebrero ginugunita ang Civil Registration Month bilang pagpapahalaga sa rehistrong kailangan sa bawat transaksyon na patunay sa pagkakakilanlan ng isang indibidwal.

Sa bayan ng Binmaley, nagpaalala ang Civil Registry Office sa maaaring kahinatnan ng late birth registration dahil may karampatan itong penalty.

Kabilang din sa paalala ng lokal na pamahalaan ang pagpaparehistro ng kasal upang mapanatili ang sakramento para sa mag-asawa sa patuloy na pagsasagawa ng libreng kasalang bayan tuwing Pebrero.

Patuloy naman ang pag-iikot ng PSA upang ihatid ang mobile services sa mga bayan at hikayatin ang publiko na magparehistro. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments