PENALTY SA MGA MAY MAINGAY NA MOTOR, TINAASAN SA DAGUPAN CITY

Inihayag ng lokal na pamahalaan ng Dagupan City kahapon, Oktubre 27, ang pagbabago ng ordinansa laban sa noise pollution.

Sa ilalim ng Ordinance No. 2337-2025, ang dating P500 na multa sa first offense ngayon ay itinaas sa halagang P1000 para sa mga may modified mufflers na motor na 400CC pababa.

Ayon sa POSO Dagupan, ang pagbabago ng ordinansa ay bunsod ng pagpapabigat ng kaparusahan para sa mga lalabag.

Dagdag ng awtoridad, bumaba ang bilang ng kasong lumalabag sa ordinansa sa lungsod simula noong taong 2022, kung saan karamihan na lang ng mga nahuhuli ay mga motorista na galing pang ibang bayan.

Paalala ng POSO Dagupan sa mga motorista, tumalima sa ordinansa sa pagkakaroon ng sasakyang may modified mufflers na tumalima sa patakaran ng lungsod.

Facebook Comments