PENRO wide family day, idinaos

14

Lingayen Pangasinan – Kasabay ng pagdiriwang ng World Environment Month na may temang “Beat Air Pollution” ay nagsagawa ang Provincial Environment and Natural Resources ng isang wide family day sa Narciso Ramos Sports Complex, Lingayen Pangasinan na pinangunahan ng Community Environment and Natural Resources – Central Pangasinan (CENRO) bilang host sa nasabing event.

Kabilang sa kanilang aktibidad ay ang pagkakaroon ng programa at palakasan tulad ng highlight na Dalagang Filipino Yeah pageant, sports na Basketball, Volleyball, Tug of War, Badminton, Table Tennis.


Ang nasabing pagtitipon ay naglalayong paigtingin ang bonding ng mga empleyado at ng kanilang pamilya. Pagpapakita din ito umano na ng pagtutulungan bilang pamilya sa pagsulong ng mga adbokasiya ng ahensya.


Facebook Comments

From Advertisers