Pension ng government at retired military personnel, tiyak na magpapatuloy

 

Tiniyak ni House Deputy Speaker at Quezon 2nd district Representatove David “Jay-Jay” Suarez na tuloy at walang mababawas sa pension ng retired government workers at military personnel.

Diin ni Suarez, walang dapat ikabahala ang mga retiradong government at military pensioner at kanilang mga kaanak dahil intact at sapat ang pondo para sa kanilang pensyon.

Ayon kay Suarez, may sapat na “allowance” o pa-sobra ang pondo para sa retired government workers kaya hindi ito kakapusin.


Inihayag ito Suarez kasunod ng alegasyon ni Senator Imee Marcos na tinapyasan umano ng Kongreso ang pondo para sa mga retired government personnel.

Bunsod nito ay nilinaw rin ni Suarez na ang 2024 budget ay pinagtibay ng buong Senado at Kongreso at lahat probisyong nakapaloob sa budget ay dumadaan sa masusing pagsusuri at inaprubahan ng dalawang kapulungan.

Facebook Comments