CAUAYAN CITY- Isinagawa ang Pensioners Day kasabay ng 67 anibersaryo ng Social Security System sa Lungsod ng Cauayan.
Ang mga programa ay dinaluhan ng mga SSS pensioners mula sa Lungsod ng Cauayan, Reina Mercedes, Luna, at Alicia na binubuo ng 244 participants.
Sa panayam ng IFM News Team kay North Luzon 2 Vice President Porfirio Balatico, tampok sa selebrasyon ngayong taon ay ang paglunsad ng Pension Loan Program sa mga pensioners.
Aniya, layunin nito na tulungan ang mga pensioners lalo na ang mga retired pensioner na sa SSS na lamang mag-loan kaysa mag-loan sa iba na mataas ang interest rate.
Dagdag pa niya, pinakamalaking halaga na maaaring i-loan ng isang pensioner ay P200k depende sa kanyang buwanang pension na natatanggap.
Samantala, maaari namang makapag-avail ng loan ang mga pensioners sa pamamagitan ng online at over the counter.