Pensyon na natatanggap ng mga senior citizen, hindi sapat kaya nakipagsapalaran sa job fair ngayong araw sa Pasay City

Aminado ang ilan mga senior citizen na hindi sapat ang kanilang natatanggap na pension kaya mas pinili na lamang nila makipagsapalaran at maghanap ng trabaho ngayong araw.

This slideshow requires JavaScript.

Ayon kay Nanay Corazon Sobremonte, 75 years old senior citizen na dating janitress, malaking bagay rin ang mga ganitong uri ng job fair sa kanilang mga senior citizen na hirap ng maghanap ng trabaho dahil sa kanilang edad.


Sa ngayon, patuloy na nadadagdagan ang mga senior citizen na nag-apply ngayon at inalok ng trabaho sa isang fast food chain kung saan pwede silang magtrabaho ng apat na oras kada araw pero buo naman nilang makukuha ‘yung sahod.

Facebook Comments