Pensyon para sa mga AFP retirees at war veterans, tataas sa 2020

Asahan na ang dagdag na pensyon ng mga retiradong sundalo sa 2020 kasunod ng pagtaas sa 29% ng pension and gratuity program ng Armed Forces of the Philippines.

Sa pagharap ni Defense Sec. Delfin Lorenzana sa 2020 budget hearing ng House Committee on Appropriations, P11.93 Billion ang idinagdag sa kabuuang budget ng 2020 retirees pension and benefits na nasa P69.7 Billion para sa susunod na taon.

Salig ito sa implementasyon ng pinirmahang batas para sa dagdag na pensyon ng mga retiradong unipormadong tauhan ng Hukbong Sandatahan.


Gayundin ay tumaas sa 6% ang pension ng mga beterano ng World War II kaya asahan ang pagtaas ng pensyon ng mga ito sa P20,000 kada buwan mula sa kasalukuyang P5,000.

Tumaas din sa 1.3% o P2.3 Billion ang pondo ang DND para sa 2020 na nasa P258. 35 Billion.

Sa ilalim ng proposed budget ng DND, P119.2 Billion dito ay para sa Personnel Services, P40.7 Billion ay para sa Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) at P28.80 Billion ay para sa Capital Outlay.

Inaasahan na mabebenepisyuhan ng DND budget ang nasa 148 thousand na uniformed personnel, 12 thousand civilian employees at 69 thousand CAFGU.

Facebook Comments