Pensyon para sa mga barangay official, isinusulong sa Kamara

Itinutulak sa Kamara na mabigyan ng pensyon ang mga opisyal ng barangay.

Sa House Bill 10419 o “Barangay Pension Fund” ay kinikilala rito ang mahalagang papel ng mga opisyal ng barangay sa komunidad at sa gobyerno.

Nakasaad sa panukala na oras na maging batas ito ay tatanggap na ng pensyon ang mga punong barangay, mga miyembro ng barangay council, barangay treasurer at secretary.


Ang pondo para dito ay huhugutin sa Malampaya fund.

Isang Barangay Pension Fund Council ang itatatag na siyang mamamahala ng pondo, titiyak ang maayos na pamamahagi nito sa mga pensyonado at iba pang minamandato ng batas.

Tinukoy sa panukalang batas na sa kabila ng trabaho at pagseserbisyo ng mga opisyal ng barangay, hindi kalakihan o hindi sapat ang kompensasyon na kanilang nakukuha.

Facebook Comments