Pensyon para sa mga mangingisda at magsasaka, isinusulong sa Kamara

Hiniling sa Kamara na mabigyan ng pensyon ang mga magsasaka at mga mangingisda katulad sa mga natatanggap ng mga retirado sa bansa.

Sa House Bill 10032 o “Pensyonadong Magsasaka at Mangingisda Act” ay bubuo ng isang “Social and Pension Program” para sa mga magsasaka at mangingisda.

Nakapaloob din sa panukala ang probisyon o tulong sakaling ang benepisyaryo ay magkasakit o magkaroon ng kapansanan o kaya’y mamatay.


Ang Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) ng Department of Agriculture (DA) at Social Security System (SSS) ang siyang implementing agencies.

Paalala ng panukala, matindi ang trabaho at sakripisyo ng mga magsasaka at mangingisda para lamang matiyak na may pagkain sa hapag-kainan ang mga Pilipino.

Ngunit sa kabila nito, tila napapabayaan o walang sapat na proteksyon ang mga nabanggit na sektor.

Facebook Comments