Manila, Philippines – Suportado ng New People’s Army ang mga demokratiko at mga payapang pagkilos ng iba’t ibang mga grupo kaugnay ng nalalapit na pagdiriwang ng EDSA People Power Revolution.
Ayon kay Milito Glor, Command Spokesman Ka Diego Padilla, ng New People’s Army Timog Katagalugan na ang mga hakbang at mga kilos protesta, alinsabay sa pagdiriwang ng People Power Revolution ay isang patunay na dumarami na ang mga mamamayan na hindi nagugustuhan ang mga polisiya at ang mga proyekto ng Duterte Administration, na lalo lamang nagpapahirap sa mamamayan.
Kinastigo rin ni Padilla, ang mga naging pahayag ng Pangulong Duterte sa harapang pambabastos sa mga kababaihang miyembro ng New People’s Army, na barilin sa kaselanan ang mga mahuhuling babaeng rebelde, na isang patunay aniya na walang paggalang sa kababaihan ang pangulo bagamat aminado ang tagapagsalita ng Milito Glor Command na tunay na magaganda at matatalino at may ipinaglalaban ang mga kasapi nilang kababaihan.
Minaliit din ng Milito Glor Command ng NPA ang paglalagay ng bounty o ng halaga sa ulo ng mapapatay na rebelde sa halagang 25 libong piso ay isang dismayadomg hakbang ni Pangulong Duterte lalo’t naniniwala sila na walang matinong mamamayan ang gagawa nito.
Nauna rito, inako ng NPA na sila ang nanguna sa pananambang sa convoy ng 16 na SAF Troopers sa Sitio Saint Joseph, Barangay San Jose sa Antipolo City, kahapon ng umaga kung saan may na nasawi sa panig ng PNP 6 ang sugatan subalit nilinaw din ng PNP na walang nasawi sa kanilang mga tauhan.