People’s Champ Manny Pacquaio – inalay ang nalalapit na laban para sa mga naapektuhan ng gulo sa Marawi City

Manila, Philippines – Inaalay ni People’s Champ Manny Pacquiao ang nalalapit nitong laban kay Foe Jeff Horn para sa mga Pinoy na apektado ng giyera sa Marawi City.

Ayon kay Pacquiao – para sa karangalan ng Pilipinas, iaalay nito ang kanyang laban sa mga pamilyang naapektuhan ng gulo sa Marawi City, maging ang mga naapektuhan ng bagyo at pagbaha.

Sa ngayon ay nagsimula na ang pambansang kamao ng kanyang training sa General Santos City matapos ang break sa Kongreso.


Ikinatuwa naman ni Coach Freddie Roach ang session break dahil sa mas makakapag-focus na ang Pambansang Kamao sa training nito.

Sa ngayon ay tinututukan ni Roach ang bilis ni Pacquiao.
DZXL558

Facebook Comments