PEOPLE’S CHAMP | Pangulong Duterte, iginiit na isang tunay na people’s champ si Sen. Manny Pacquiao

Malaysia – ‘Isa kang tunay na people’s champ’.

Ito ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte kasabay ng pagbati nito kay Senador Manny Pacquiao matapos maagaw ang WBA Welterweight Title mula sa Argentine boxer na si Lucas Matthysse sa kanilang laban sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Sinabi ni Pangulong Duterte, binabati nito si Pacquiao dahil nagkakaisa ang lahat ng Pilipino at nabibigyan ng pride ang bansa sa boxing arena.


Pinatunayan aniya ni Pacquiao na bukod sa pagiging public servant ay isa siya sa pinakamagaling na boksingero.

Umaasa ang Pangulo na patuloy na magsilbing inspirasyon si Pacquiao sa bawat Pilipino.

Facebook Comments