Upang maiparating ang libreng mga serbisyo sa mga residente kasabay ng pag-turn over ng infrastructure projects, sa Tukanalipao, Mamasapano, Maguindanao naman isasagawa ng ARMM government ang buwanang People’s Day.
Ang aktbidad ay gaganapin sa Huwebes, Enero 25, kasabay ng ikatlong taong paggunita sa 2015 Mamasapano incident.
Noong Miyerlules nang pangunahan ni Regional Planning and Development Office (RPDO) executive director Engr. Baintan Adil-Ampatuan ang finalization ng mga plano para sa People’s day.
Inaasahang makakatanggap ng libreng medical at dental services ang mga residente sa lugar, magkakaroon din ng supplemental feeding, bloodletting, at pamamahagi ng fingerlings at seedlings.
Sinabi ni Engr. Ampatuan na ilan sa mga proyekto sa ilalim ng Humanitarian and Development Assistance Program (HDAP) ng ARMM ay itu-turn-over sa kaparehong araw.
Tampok din sa aktibidad ang development interventions ng ARMM government sa conflict-affected areas sa Maguindanao.
People’s Day, isasagawa ng ARMM gov’t sa Mamasapano!
Facebook Comments