Peoples Day isinagawa sa Datu Saudi Ampatuan

Libong mga residente ng Datu Saudi Ampatuan ang nakabiyaya sa ibat ibang serbisyong inihatid ng ARMM Government kasabay ng isinagawang Peoples Day ngayong araw.

Kabilang sa mga naka- avail ng mga serbisyong ibinababa ng mga taga ARMM ay mga bakwit. Food Packs, Hygine Kit, medical services na kinabibilangan ng free check up, bunot ng ipin, tuli at libreng gamot, seedlings at mga kagamitang pangisda ang ilan lamang sa mga ipinagkaloob sa mga ito.

Nanguna sa aktibidad si ARMM Governor Mujiv Hataman , kasama sina Executive Secretary Atty. Laisa Alamia, Chief of Staff Atty. Rasul Mitmug katuwang ang mga opisayles ng ibat ibang ahensya ng rehiyon , mga opisyales ng militar at PNP.


Pormal na ring itinurn over kanina ang Central Maguindanao Development Cooperation(CMDC) Alliance Center . Ang aktibidad ay bilang pakikiisa na rin ng ARMM Government sa pagdiriwang ng Shariff Kabunsuan Festival.

Facebook Comments