People’s Fund Bill, isinusulong

106

Manila, Philippines – Isinusulong ni Sen. Bam Aquino ang Peoples Fund Bill kasunod ng pagbibigay ng isang libong budget ng Kamara sa Commission on Human Rights.
Sa senate bill no. 699, hahayaan ang mga tax payer na mamili kung aling ahensya ng gobyerno mapupunta ang porsyentong ng kanilang binabayaran buwis.
Sa ilalim nito, papayagang mapunta ang five percent na binabayarang buwis ng publiko sa anumang accredited charity o civil society organization, mga prayoridad na national o local government project at legitimate political party.
Nakapaloob rin sa panukala na dapat ilagay ng publiko sa kanilang annual Income Tax Returns ang kanilang pag-bibigyan ng buwis.

Facebook Comments