Duda si Senate Minority Leader Koko Pimentel na makakatulong sa tagumpay ni Pangulong Bongbong Marcos ang isinusulong sa Kamara na People’s Initiative.
Ayon kay Pimentel, may natitira pang apat at kalahating taon si Pangulong Marcos sa kanyang termino at kahit sila sa oposisyon ay tumutulong sa ikatatagumpay ng presidente.
Paalala ng senador sa pangulo, 22 senador mula sa mayorya ang sumusuporta sa kanya at sila na dalawa lang sa Minorya ay mga responsable at hindi matatawag na obstructionist.
Giit ni Pimentel, maganda na sana dahil may formula para sa success ng pangulo pero tanong din niya kung bakit hinahayaang ito’y ginugulo pa.
Facebook Comments