Patay na ang pekeng People’s Initiative.
Ito ang iginiit ni Senate President Juan Miguel Zubiri matapos na linawin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang posisyon niya ukol sa Charter Change (Cha-cha).
Matatandaang sinabi ng Pangulo sa kanyang talumpati noong Huwebes na hindi siya tutol sa pag-amyenda sa Saligang Batas basta’t nakatutok lamang ito sa economic provisions.
Ayon naman kay Senator Sonny Angara, senyales ito para sa kamara na itigil na ang agenda nitong ipasok ang political revisions sa Cha-cha.
Sa kabila nito, duda pa rin si Angara na mapapahinto ng pahayag ng pangulo ang inilulunsad na People’s Initiative ng Kamara.
Umaasa naman si Senator Chiz Escudero na matitigil na ang bangayan sa pagitan ng Kamara at Senado.
Sa ngayon, pinangungunahan ng Senado ang diskusyon sa Resolution ng Both Houses Number 6 na layong amyendahan ang ilang economic provisions ng konstitusyon.