Mariing kinontra ni Davao City 1st District Representative Paolo Duterte ang anumang hakbang ng ilang mambabatas para sa ‘People’s Initiative’ na para sa Charter Change.
Giit ni Duterte, ang nabanggit na People’s Initiative ay hindi tunay na boses ng publiko kundi boses lamang umano ng iilan na nais manatili sa kapangyarihan.
Bunsod nito ay pinayuhan ni Congressman Duterte ang mga Dabawenyos, lalo na ang kanyang mga ka-distrito na huwag ipagbili ang kanilang kaluluwa sa halagang ₱100 o ₱10,000 kapalit ng pagpirma sa People’s Initiative na para sa ChaCha.
Tiniyak din ni Duterte na hindi sya luluhod para mabigyan ng proyekto kapalit ng pagsuporta sa hangaring baguhin ang Saligang Batas.
Facebook Comments