PEOPLE’S INITIATIVES SA PAMAMAGITAN NG SIGNATURE CAMPAIGN PARA SA 1987 CONSTITUTION AMENDMENTS O CHA CHA, DUMATING NA RIN SA PANGASINAN

Kumakalat ang balita na nakarating na rin sa lalawigan ng Pangasinan ang sinasabing Peoples Initiative sa pamamagitan ng Signature Campaign kung saan ay nakapaloob din ang pag-amyenda sa ilang artikulo ng 1987 Constitution.
Sa mga impormasyon na ipinadala sa IFM Dagupan, naka-iskedyul ang pagpapatawag sa mga residente ng bawat bayan.
Hinahanapan ang mga ito ng voters ID bagamat wala naman daw bayad ito na isang daang piso kagaya ng ibang lugar.

Samantala, maging ilang mga barangay officials na hindi na nagpabanggit ng pangalan ay nakatanggap din ng nasabing kautusan na ipapatawag bagamat ipinagkibit balikat lang ng Ilan ang mga ito. |ifmnews
Facebook Comments