Hindi inalintana ng mga kawani ng Peoples Medical Team ng Provincial Government ng Maguindanao ang banta ng kaliwat kanang Improvised Explosive Device para lamang makapaghatid ng tulong sa mga lumad na naapektuhan ng kaguluhan sa liblib na bahagi ng Datu Hoffer at Datu Unsay sa Maguindanao.
Kahapon, pinangunahan mismo ni Lynette Estandarte, Head ng Peoples Medical Team katuwang mga opisyales ng military at pnp ang papaabot ng ayuda na kinabibilangan ng bigas, delata, kape at iba pa sa mga lumikas na mga residente.
Lubos naman ang pagpapasalamat ng mga pamilyang nakabiyaya sa suplay na inihatid ng Peoples Medical Team. Matatandaang higit 20 tahanan ang pinagsusunog maliban pa sa pambubulabog ng mga armado noong huling linggo ng buwan ng desyembre na nagresulta sa paglikas ng higit 300 pamilya sa mga boundaries ng Hoffer at Unsay.
Bukod sa relief distribution, agad ring nagsagawa ng medical mission ang mga ito upang masuri ang mga kalagayan ng mga bakwit.
Ang pagpapabot ng tulong sa mga naperwisyong pamilya ay base na rin sa naging direktiba ni Maguindanao Governor Esmael Mangudadatu.
Peoples Medical Team buwis buhay na tumulong sa mga Bakwit sa Maguindanao
Facebook Comments