People’s Reform Party, susuportahan ang mga pambato ng HNP

Susuportahan ng People’s Reform Party (PRP) ang mga kandidato ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) sa 2022 elections.

Matatandaang kinumpirma ng PRP ang kanilang alliance negotiations sa HNP at nakatakdang magkaroon ng formal announcement bukas, July 7.

Pero sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na iginiit ng grupo na dapat si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang tumakbo sa pagka-presidente.


Walang problema sa PRP ang pagpili ng HNP ng mga kandidato basta ang mga mapipili nila ay mayroong prinsipyo na kaparehas sa namayapang si dating Senador Miriam Defensor-Santiago, na siyang founder ng partido.

Naniniwala si Roque na ang mga katangian ng dating senadora ay nakikita rin sa presidential daughter.

Facebook Comments