Pera, Alahas at Baril, Natangay ng mga Kawatan Matapos Looban ang Bahay ng Negosyante

150

*Cauayan City, Isabela*- Nilooban ng mga hindi pa matukoy na kawatan ang bahay ng isang negosyante pasado alas tres kaninang madaling araw sa Brgy. Bugallon Norte, Ramon, Isabela.


Nakilala ang biktima na si Rodolfo Cristobal, 31 anyos, may asawa at residente sa lugar.

Batay sa imbestigasyon ng PNP Ramon, tinangay ng mga suspek ang per ana nagkakahalaga ng mahigit kumulang na P200,000.00 libong piso, mga alahas na tinatayang nasa mahigit dalawandaang libong piso ang halaga, isang cellphone na nagkakahalaga ng P48,000.00 at isang lisensyadong baril na Pardus 12 GA ShotGun na may halagang limampung libong piso kasama ang pitong bala maging ang iba’t ibang uri ng credit cards ay hindi rin pinalampas ng mga kawatan.

Ayon pa sa imbestigasyon ng pulisya, pawang mga nakabonete ang mga suspek ng isagawa ang krimen at armado ng mga baril ang mga ito kung saan hinihinalang dumaan sa unang palapag ng bahay ng negosyante patungo sa taas at tinangay ang mga nasabing mahahalagang gamit ng biktima

Patuloy naman na iniimbestigahan ng pulisya ang posibleng pagkakakilanlan ng mga kawatan.

Photo Courtesy: Boracay Informer

Facebook Comments