*Cauayan City, Isabela- *Iginiit ni ginoong Edgar Pambid, ang pinuno ng Overseas Filipino Workers Bagong Bayani Incorporated-Isabela na isa umano sa nagpapayabong sa ekonomiya ng ating bansa ay mula sa mga personal remittances na ipinapadala ng mga OFW’s sa kani-kanilang pamilya.
Sa eksklusibong panayam ng RMN Cauayan kay ginoong Pambid, umaabot na sa 27.03 bilyon dollars o 1.07 trilyong piso ang naipapasok na pera ng mga OFW’s dito sa ating bansa.
Napakalaking tulong na umano ito para sa paglago ng ating ekonomiya subalit lugmok pa rin umano sa utang sa ibang bansa ang Pilipinas kaya’t ito rin umano ang dahilan kung bakit nagbabayad tayo sa World Bank and International Monetary Fund (IMF) ng dolyar bilang ating commitment charge.
Samantala, bagamat marami umano sa mga OFW’s ang nagtagumpay sa pagtratrabaho sa ibayong dagat ay mayroon pa rin umanong mga OFW ang hindi pinalad at mas lalo pang nalugmok sa kahirapan.
Dahil dito ay nagkaroon umano ng programa ang kanilang samahan kung paano hawakan at patakbuhin ang kanilang kinikitang pera sa ibayong dagat.