‘Pera pera lang lahat’: Jim Paredes, binatikos ang planong pagbabalik-GMA ni Bong Revilla

Facebook photos

Pinuna ng beteranong singer-composer na si Jim Paredes ang napabalitang pagbabalik-telebisyon ni Senador Ramon “Bong” Revilla Jr.

Naiulat ng PEP.ph na si Revilla ang gagawing host sa isang weekly show ng GMA-7 na mala-Kap’s Amazing Stories na naging programa ng senador noong 2007.

Sa Twitter, ibinahagi ni Paredes ang isang post tungkol sa nasabing balita at sinabing, “PERA PERA PERA lahat. Ok lang sa inyo na maging role model siya ng kabataan?”


“C’mon GMA. You can do better than this,” dagdag niya.

Matatandaang nakulong ang senador sa kasong pandarambong kaugnay ng pork barrel scam, ngunit nakalaya rin noong Disyembre nakaraan taon.

Naging aktibo ang beteranong singer sa pambabatikos kay Revilla nang masangkot sa naturang kontrobersya.

“Why would a franchise ALLOW this? That is the bigger question. They have social and corporate responsibilities. Their airwaves belong to the Filipino people,” pagpapatuloy ng pahayag ni Paredes.

Mabilis na kumalat ang tweet ng singer na umani ng hating reaksyon mula sa netizens.

Ayon sa ilang netizens, walang kredibilidad na mamuna ang singer dahil maging siya naman daw ay may dungis.

Iniungkat ng ilan ang kumalat na scandal ni Paredes na naging dahilan ng ilang buwan niyang pananahimik.

Mayroon din namang mga nagtanggol sa singer na naniniwalang mas mabigat pa rin ang kasalanang magnakaw sa kaban ng bayan.

Facebook Comments