Perang ipinasok ng mga turista sa bansa sa unang anim na buwan ng taon, umaabot na sa ₱282-B

Kinumpirma ng Department of Tourism (DOT) na umabot sa 282-billion pesos ang perang ipinasok ng mga turista sa bansa sa unang anim na buwan ng taong ito.

Ito ay mula sa mahigit 3-million na mga turista na pumasok sa Pilipinas sa taong kasalukuyan.

Ayon sa DOT, ang naturang figure ay mas mataas ng 32.81% sa kita ng turismo sa kaparehong panahon noong 2023.


Ang malaking pera anilang ipinasok ng mga turista sa Pilipinas ay nagbigay ng maraming trabaho sa mga Pilipinong nagtatrabaho sa sektor ng turismo.

Sa susunod na mga buwan ay inaasahan ng tourism department na mas marami pang mga turista ang dadagsa sa Pilipinas matapos ang nangyaring malakas na lindol.

Facebook Comments