PERFECT BRIDAL GOWN | Iza Calzado – naghahanap na ng wedding gown

Manila, Philippines – Tila nagsisimula nang maghanap ng kanyang perfect bridal gown si Iza Calzado.

Nito ngang weekend nang lumipad patungong hong kong si Iza kasama ang celebrity stylist na si Katrina Cruz.

Dumaan sila sa the loft – or “the lab of fairy tales” – isang bridal shop na inilarawan ni iza bilang “enchanting place”.


Sa Instagram post ni Katrina, makikita ang larawan ni Iza habang nagsusukat ng damit, pero hindi nabanggit kung kuha pa rin ito sa the loft.

Ngayong taon na ikakasal ang aktres sa British fiance niyang si Ben Wintle matapos ma-engaged noong October 8, 2017.

Wala pa silang ina-anunsyong petsa at venue ng kasal.

Facebook Comments