Perfect economic storm, sasalubong sa susunod na pangulo ng bansa

Ibinabala ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang “perfect economic storm” na haharapin ng mananalong pangulo ng bansa sa darating na eleksyon.

Paliwanag ni Drilon, ito ay dahil sa lumolobong utang ng bansa, record-high budget deficit at patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo dahil sa krisis sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Bunsod nito ay binigyang-diin ni Drilon na ang susunod na presidente ay dapat may kredibilidad, political will at competent o may kakayanan na tugunan ang sitwasyon ng ating ekonomiya.


Ayon kay Drilon, sinumang susunod na mamumuno sa bansa ay dapat nakahanda sa matinding epekto ng oil crisis, COVID-19 pandemic, mataas na budget deficit at napakalaking pagkakautang ng bansa.

Binanggit ni Drilon na ngayon ay nasa P12 trillion ang ating utang at noong nakalipas na taon habang pumalo na sa P1.67 trillion ang ating budget deficit at dagdag pa rito ang pagtaas sa presyo ng mga bilihin bunga ng pagtaas ng presyo ng langis.

Facebook Comments